SA pagnanais na makamit ng lalawigan ng Quezon ang herd immunity sa unang quarter ng taon, umabot na sa 800,000 katao o 56 porsyento na ang nabigyan ng kumpletong bakuna .
Ayon sa Department of Health 4-A, malapit nang maabot ang 70 porsyentong herd immunity sa naturang probinsya kaya’t puspusan at pinaiigting ang bakunahan ng pamahalaang panlalawigan sa kanilang lugar upang makamit ito bago matapos ang unang quarter ng taon.
Maging ang mga nakakumpleto na ng bakuna ay hinihikayat na magpa-booster shot sa iba’t ibang itinalagang lugar sa lalawigan.