
NIYANIG ng 6.2 magnitude na lindol ngayong alas 10:19 ng umaga ng Hunyo 15.
Ayon sa Phivolcs nagmula ito sa lugar na 15km Southwest Calatagan , Batangas .
Naramdaman ang Intensity IV na lindol sa mga bahagi ng Maynila, Mandaluyong ,Quezon City, Valenzuela at Malolos sa Bulacan ; sa Batangas naman ay sa Batangas City, Ibaan , Lemery , Nasugbu at Talisay ; Dasmarinas at Tagaytay naman sa Cavite; maging sa sa Tanay sa Rizal.
Umabot din ang pagyanig na Intensity III sa Pateros, Las Pinas, Makati, Marikina, Paranaque, Pasig, Obando Bulacan, Laurel Batangas, Bacoor at Imus sa Cavite; San Pablo at San Pedro sa Laguna at Tanay sa Rizal.
Intensity II naman sa Caloocan, San Juan, Muntinlupa, San Fernando, La Union, Alaminos at Bolinao sa Pangasinan; Santa Maria, Bulacan at Bamban, Tarlac.
Sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam ng mga Phivolcs ang pinagmulan ng lindol.