ANIM na katao ang nasawi habang 57 ang sugatan sa salpukan ang isang tourists bus at isang sports utility vehicle (SUV) sa Majayjay, Laguna noong Linggo .
Ayon sa Majayjay Municipal Station, kabilang sa mga namatay ang limang matatanda at isang batang lalaki na tinatayang nasa edad 10 hanggang 15 taong gulang.
Nangyari ang insidente sa Barangay Bakia bandang 3:25 ng hapon noong Linggo.
Isang ARR Transportation bus na galing sa Lucban, Quezon ang bumabagtas sa kurbadang pababang bahagi ng kalsada nang makabangga nito sa isang Hyundai SUV na papunta sa kabilang direksyon.
Matapos ang banggaan, tumama ang bus sa isang puno.
Agad na dinala ng mga rescuer ang mga nasugatan sa iba’t ibang ospital.
Agad namang inaresto ng mga awtoridad ang driver ng bus .
Kasalukuyang nag-iimbestiga ang pulisya sa nangyaring malagin na aksidente sa daan .