June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

7 nawawalang magkakamag-anak natagpuang nakalibing sa Lanao del Norte

NATAGPUANG  nakalibing na ang pitong indibidwal na naiulat na nawawala ang magkakasama sa isang mababaw na libingan sa Sapad, Lanao del Norte, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ng Lanao del Norte Provincial Police Office ang mga biktima bilang sina Joselito Gaviola, ang kanyang asawang si Marly; Elvie Lenara, Jomar Lenara, Jopay Lenara, Epifanio Lenara Sr. at Epifanio Lenara Jr.

Ang mga biktima, na mga magkakamag-anak ay mayroong maraming tama ng bala.

Ayon sa opisyal ng Sapad Municipal Police Station, ang mga Gaviola ay naninirahan sa Bgy. Sangali sa Zamboanga City habang ang mga Lenara ay mula sa bayan ng Margossatubig sa Zamboanga del Sur.

Natuklasan ng mga residente sa isang coconut farm sa Bgy. Karkum sa Sapad ang mababaw na libingan noong Linggo.

Ang mga text messages na kumakalat sa buong Lanao del Norte ay nagpapahiwatig na ang mga biktima ay dinukot kung saan at dinala sa Sapad upang iligaw ang mga imbestigador.

Hindi pa natutukoy ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pagpaslang