PITO na ang namatay habang isang taong gulang na bata ang kritikal at pinaghahanap pa ang katawan ng apat na nawawala pa sa naganap na pagguho ng lupa sanhi ng walang tigil na pag-uulan nitong Huwebes sa Monkayo, Davao de Oro .
Ipatutupad ng local na pamahalaang ng Monkayo ang sapilitang paglikas ng mga residente sa Barangay Mt. Diwata kasunod ng pangyayari.
Ang mga nawawalang biktima ay muling magsisimula ng search and retrieval operation ngayong araw ng Biyernes kung bahagyang gumanda ang panahon dahil sa nagaganap na shear line .
Tinatayang may 13 na indibidwal ang nalibing sa ilalim ng lupa at bato, kung saan may lima sa kanila ang iniulat na nawawala noong Huwebes ng hapon.
Ang mga labi ng mga nasawi ay dinala sa Monkayo Regional Health Unit para sa pagkakakilanlan.
