
LIMANG menor de edad ang nailigtas ng mga agent ng Women and Children Protection Center ng Philippine National Police makaraang maaglunsad ng operasyon noong Martes a iniulat na gumagawa ng malaswang gawain online sa loob ng isang maliit na bahay sa Bonifacio, Misamis Occidental.
Ang isang 24-anyos na babae ang inaresto dahil sa akusasyon ng pang-aabuso sa mga bata upang kumita ng pera mula sa mga dayuhang may masasamang loob sa Purok 4, Bgy. Lingonan, bayan ng Bonifacio.
Sinabi ni PNP-WCPC head Brig. Gen. Portia B. Manalad na ang mga miyembro ng WCPC Mindanao Field Unit ang nagsagawa ng rescue operation bandang alas 4:40 ng hapon noong Martes batay sa isang Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children.
Naaresto sa operasyon si Honey Bie Tahoy, na iniulat na nag-aalok ng mga biktima online sa mga dayuhan sa ibang bansa.
Ang akusado ay nahaharap sa mga kriminal sa paglabag sa Republic Act 1930 o Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse and Exploitation Materials Act at RA 11930 o possession of child sexual abuse and exploitation materials.
Pansamantalang nakakulong ang suspek sa Bonifacio Municipal Police Station jail habang ang mga iniligtas na menor de edad ay ibinigay sa Bonifacio Municipal Social Welfare and Development Office.