PUMALO na sa 7 katao ang nailibing ng buhay makaraang matabunan ng gumuhong lupa sa Maco , Davao de Oro, kahapon, Martes .
Sa isinasagawang Search and rescue operations nakita ang labi ng isa pang biktima sa lugar ng guho.
Base sa ulat ng lokal na pamahalaan ng Maco , narekober ang anim na bangkay kanina alas 2 ng hapon , habang na-rescue naman ang 31 na sugatan.
Kasalukuyang pinaghahanap pa rin ang 48 kataong nawawala ngayong araw ng Miyerkules kahit na may kaunting pag-ulan sa lugar.
Matatandaang sakay ng 2 bus ang mga empleyado ng Apex Mining Corp . makaraang matabunan ng lupa ito sa Zone 1 Brgy.Masara Maco Davao de Oro pasado alas-7 ng gabi.
Sa ngayon ay inilikas na sa mga itinilagang evacuation centers ang 800 pamilya malapit sa gumuhong lupa.
