7 Patay sa 6.8 magnitude na lindol sa Saranggani, Davao Occ

UMABOT na sa pitong katao ang namatay habang dalawa naman ang sugatan at dalawa ang nawawala makaraang tamaan ng 6.8 magnitude na lindol ang Saranggani at Davao Occidental araw ng Biyernes.

Batay sa sa talaan ng National Disaster Risk Reeduction and Managemant Council (NDRMMC) ngayong araw ng Sabado, nasawi ang tatlong katao sa general Santos ; dalawa sa Glan , Saranggani habang tag-iisa sa Jose Abad Santos,Davao Occidental at Malapatan , Saranggani.

 Naitala rin ang dalawang sugatan sa Glan, Saranggani atnapaulat naman ang dalawang nawawala sa General Santos.

Pumalo na sa 450 katao sa Davao region at Soccsksargen ang ginagamot  dahil sa hyperventilation at pagpapanic ayon pa sa NDRRMC.

Naitala naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang 61 aftershocks mula alas 11:00 ng umaga.