NALANSAG ang isang drug den kung saan natimbog ang pitong drug suspek sa Purok 3A Barangay Dalagican, Lucena City nitong Abril 27, 2025 bandang 6:55 ng gabi .
Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Quezon Provincial Office at PDEA Marinduque Provincial Office sa isinagawang operasyon kontra droga sa Lucena City ang nasabing drug den kung saan naaresto ang mga suspek na nakilalang sina alias Papong, 53, mangingisda; alias Marilou, 42, , dried fish vendor; alias Imelda, 54, dried fish vendor; alias Jonathan, 25, fish vendor; alias Raymond, 33, mangingisda; alias Jeric, 26, STL Collector; at isang menor de edad.
Nakumpiska ang humigit kumulang na 20.9 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang Php142,120.00, ibat ibang drug paraphernalia at buy-bust money.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
