
KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng pitong bakery workers nang pagsasaksakin habang natutulog ang mga ito sa tinutuluyang bahay sa Antipolo City.
Kakila-kilabot nang matuklasan ng mga awtoridad ang bangkay ng pitong lalaking sa loob ng J&B Malunggay Bakery sa Purok 1, Zone 8, Barangay Cupang nitong Martes ng madaling araw.
Lahat ng biktima ay empleyado ng panaderya at pinaniniwalaang tulog nang sila ay atakihin ng di pa nakikilalang suspek.
Kinumpirma ng Rizal Police Provincial Office na ang mga biktima ay naninirahan sa bakery na tila pinatay habang natutulog.
Base sa ulat , isang lokal na barangay tanod ay natanggap bandang 7:40 ng umaga kaya naman mabilis na pinuntahan ng mga opisyal mula sa Police Community Precinct 1 (PCP 1), sa pangunguna ng acting chief of police at duty investigators, upang i-verify ang ulat at simulang imbestigahan .
Nadakip ang suspek sa loob ng ilang oras bandang 9:00 ng umaga , mahigit isang oras lamang matapos madiskubre ang krimen.
Agad na nahuli ng pulisya ang suspek sa Philippine National Police Headquarters Support Service sa Antipolo at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at sumailalim sa karaniwang pisikal at medikal na pagsusuri.
Ayon sa mga awtoridad, Patuloy na iniimbestigahan pa ang motibo sa likod ng krimen.
Tinitingnan din ng pulisya ang posibilidad na may kasamang sangkot ang suspek ng gawin ang krimen.
“Ang Rizal Police Provincial Office, sa ilalim ng pamumuno ng Provincial Director, ay matatag sa kanilang pangako na humingi ng hustisya para sa mga biktima at kanilang mga pamilya,” ayon sa opisyal na pahayag.
Hinihikayat ang mga opisyal ang publiko na manatiling kalmado habang nagsasagwa ng masinsinang imbestigasyon.