June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

75 suspek, arestado sa one-week anti-Illegal drug operations ng Laguna PNP

Ni alex dela Cruz

NATIMBOG ang 75 Drug Personalities sa One-Week Anti-Illegal Drug Operations ng Laguna PNP mula April 1-7, 2024 .

Pinamunuan ni PCol Gauvin Mel Unos , Acting Provincial Director, Laguna PPO operasyon laban sa iligal na droga, sa tulong at kooperasyon ng mga mamamayan, lalong-lalo na ang Barangay Intelligence Network (BIN) sa ibat ibang bayan sa Laguna.

Nagresulta ang One-Week Anti-Illegal Drug Operations ng Laguna PNP nang maaresto ang 75 drug personalities makaraang isagawa ang 59 operasyon, kung saan ay nakumpiska ang humigit kumulang na 62.1 gramo ng shabu at 34.1 gramo ng marijuana na may kabuuang halaga na aabot sa PhP431,812.00.

Ang mga arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Forensic Unit para sa forensic examination.

Inihahanda naman ang mga kaukulang dokumento para sa isasampang kaso laban sa mga suspek na paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.