June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

8-anyos na bata nalunod sa beach sa Tarlac

ISANG 8-taong gulang na batang lalaki ang namatay sa isang beach sa Tarlac noong Lunes.

Sa ulat ng pulisya ng Tarlac kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. nakilala ang biktimang si Lawrence Carreon, ng Bgy. Labney, San Jose, Tarlac.

Sa salaysay ng pulisya sa pinsan ng biktima na si Ryan Asio, nakita niya si Lawrence na sumusunod sa kanyang lola sa Saipan Beach sa Bgy. Iba, San Jose, Tarlac.

Makaraan ang ilang minuto , hindi na natagpuan ng mga kamag-anak ng bata si Lawrence, kaya’t sila ay humingi ng tulong mula sa barangay rescue team.

Nakita nila si Lawrence na walang malay sa tubig.

Si Lawrence ay dali-daling dinala sa San Jose MDRRMC sa Tarlac Provincial Hospital, kung saan ideneklara ng doktor na siya ay patay na .