ISANG 26-anyos na lalaki ang inaresto ng pulisya nitong Lunes na inakusahan ng panggagahasa at pananaksak sa isang 84-anyos na babaeng nakaratay hanggang sa mamatay sa Floridablanca, Pampanga.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Redrico Maranan, Pampanga police director Col. Jay Dimaandal ang suspek na si alyas “Alex” ng Floridablanca.
Lumabas sa imbestigasyon na pinasok ng suspek ang bahay ng biktima sa Bgy. San Nicolas at nagnakaw ng dalawang cellphone at wallet.
Nakita ni alyas “Alex” ang nakaratay na matandang babae atsaka ito minolestiya.
Nakipaglaban ang matandang babae sa suspek, ngunit ito pinagsasaksak niya ito hanggang sa mamatay.
Agad namang ipinaalam ng pamilya ng biktima ang malagim na pangyayari sa mga opisyal ng barangay, hanggang sa tumawag sa pulisya.
Samantala, agad namang naglunsad ng operasyon ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Nakuha sa suspek ang cellphone at wallet na tinangay nito sa biktima.
Inihahanda na ang kasong robbery at rape with homicide para sa pagsasampa sa korte laban sa suspek.
