
SIYAM na bus ang napinsala nang pasabugin ng granada ang bus terminal sa Barangay Bugaan East sa bayan ng Laurel Batangas ngayong araw ng Linggo .
Base sa inisyal na imbestigasyon, isang di nakikilalang lalaki ang naghagis ng granada sa Magnificat Transport Terminal Station kung saan nagkabasag-basag ang mga salamin ng mga nakaparadang bus sa lugar.
Wala namang naiulat na sugatan o namatay sa naganap na pagsabog ayon sa mga otoridad.
Ayon sa ulat kay Batangas police director police Col. Samson Belmonte , natutulog ang security guard sa loob ng bus nang maganap ang pagsabog bandang alas 3:50 ng madaling araw kanina.

Nang naiulat ng mga testigo bandang alas 3:50 ng madaling araw ay agad na nagsiyasat at nagsagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nangyaring insidente.
Kaya naman umaapela si Belmonte sa publiko na “Hindi po natin kinokonsinti ang mga ganitong gawain na nagreresulta ng kaguluhan at pagbasag ng katahimikan ng ating lugar. Sisiguraduhin po natin makikilala at mahuhuli natin ang mga taong may kagagawan nito. Sa ating mga mamayanan, ako po ay umaapila sa inyo na kung may alam kayo o may nakakakilala sa gumawa nito ay agad ninyong ipagbigay alam sa aming may awtoridad upang agad mapanagot ang mga ito”, ayon kay Belmonte.