HALOS 95 porsyento ng kumpleto ang Yolanda Housing Program na may kabuuang 165,383 na housing units ang naitayo habang 211 proyekto na ang naiturn over sa mga LGUs.
Ayon kay National Housing Authority project General Manager Joben Tai, matagal nang overdue ang programang pabahay na ito. At ngayon, sa ilalim ng kanyang liderato ay sisikapin ng ahensya na matapos upang maipamahagi na ang mga pabahay para sa biktima ng bagyong Yolanda.
Dagdag pa ni Tai, hindi na nila aniya paaabutin pa ng 10th year anniversary ng Yolanda, dahil sa susunod na taong 2023 ay tapos na ang konstruksyon ng mga housing units.
Paliwanag pa ni Tai, nakikipagtulungan na sila sa mga local government units upang mas mapabilis pa ang proyekto upang matapos na ang 209,218 housing units.
Sabi pa niya, tatapusin nila ng 35 libong housing units hanggang sa susunod na taon at agad na iti-turn over sa mga LGU para maipamahagi na agad.
Samantala, nabanggit ni Tai ang mga hamong kanilang kinakaharap na siya umanong naging dahilan ng pagkaantala ng proyekto tulad ng mga permit, clearance, at mga licenses mula sa LGU.
Dagdag pa riyan ang kakulangan sa trabahador, lockdowns at covid -19 protocols.