MAHIGPIT na pinagbabawalan ang mga tricycle at pedicab na magbiyahe sa mga pangunahing kalsada kasunod ang 2,829 aksidente sa kalsada habang 2,241 aksidente sa kalsada na may kinalaman sa mga tricycle, ayon ito sa ulat ng Metro Manila Accident and Reporting System.
Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Benhur Abalos kaligtasan ng mga pasaherong sumasakay sa trike at pedicap ang prayoridad ng local na pamahalaan.
“Dapat ngang ipatupad ng mga LGU ang batas dahil nakasalalay dito ang kaligtasan ng publiko,” aniya.
Pag-aaalala ni Abalos sa publiko matapos masagasaan a ng isang tricycle ng isang pasaherong bus habang naglalakbay sa pangunahing kalsada sa Labo, Camarines Norte noong Pebrero 4.
Maaaring maglabas ng exemption ang LGU sa pamamagitan ng Sanggunian kung wala nang ibang ruta na magagamit sa kanilang lugar .
Alinsunod sa LTO MC 94-199 na inilabas noong Mayo 2, 1994 na naglalaman ng mga gabay upang ipatupad ang devolution ng LTFRB’s franchising authority sa mga tricycle-for-hire sa mga lokal na pamahalaan alinsunod sa Local Government Code (RA 7160).
Noong Pebrero 2020 naglabas ang DILG ng Memorandum Circular (MC) 2020-036 na nagbabawal sa mga trike, pedicab, at motorized pedicab na mag-operate sa mga pangunahing kalsada at patuloy na road clearing.
Kamakailan lang din inilabas ng DILG ang MC 2023-195 na nananawagan sa lahat ng lokal na chief executives na muling organisahin o ipagtipon ang kanilang Tricycle Task Force (TTF) upang i-update ang kanilang Tricycle Route Plan (TRP) na maglalaman ng mga penal na probisyon para sa mga lumalabag.
Samantala, pinuri ni Abalos ang Bayan ng San Mateo, Rizal sa mahigpit na pagsasagawa ng pagbabawal sa mga e-bike, tricycle, at pedicab sa mga pangunahing kalsada simula Pebrero 5, at hinihikayat ang iba pang lokal na pamahalaan na gawin ang pareho.
“Pagpupugay sa LGU ng San Mateo, Rizal sa kanilang pagpapatupad ng pagbabawal sa mga trike at e-bike sa national road. Matagal na din po natin itong pinapaalala sa ating mga pamahalaang lokal, sana po ay sumunod na din po ang iba,” sabi ni Abalos.
Ang pagkahuli ng mga tricycle at pedicab na nagbiyahe sa mga pangunahing kalsada sa San Mateo ay magdudulot ng malaking multa habang ang mga drayber ng tricycle ay pagmumultahin din para sa unang dalawang paglabag at pagkakansela ng prangkisa para sa ikatlong pagkahuli.
