UMABOT sa 246 na personalidad ang naaresti sa isinagawang Provincial Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Laguna PPO simula February 7-13, 2024.
Magkakakhiwalay na drug buy-bust operationsang isinagawa na nakapagtala ang Laguna PNP ng 42 na operasyon, na nagresulta sa pagkaaresto ng 48 na indibidwal at nakumpiska ang 103.96 gramo ng shabu at 21.30 gramo ng marijuana na may kabuuang halaga na aabot sa PhP741,008.00
Sa manhunt operations, nagsagawa naman ng 55 na operasyon ang Laguna PNP na nagresulta sa pagkakaaresto ng 56 na most wanted at other wanted persons. 17 sa mga ito ay Most Wanted Persons at 39 naman ay Other Wanted Persons. Sa mga MWPs, anim (6) dito ay Regional Level Most Wanted Persons, apat (4) na Provincial Level MWPs, at pitong (7) City/Municipal level MWPs.
42 na operasyon naman ang naitala laban sa illegal number games o mas kilala sa tawag na (bookies) na nagresulta sa pagkaaresto ng 49 katao. Samantala, nagsagawa din ng 27 na operasyon laban naman sa others forms of illegal games na nagresulta sa pagkakaaresto ng 88 na katao. Kumpiskado sa mga suspek ang humigit kumulang PhP27,533.00 na bet money.
Sa operations against loose firearms, naaresto ang limang (5) indibidwal at nakakumpiska ang siyam (9) na baril sa isinagawang siyam (9) na operation.
Ang SACLEO ay isang intel-driven operations ng PNP laban sa lahat ng uri ng kriminalidad kasama na ang iligal na droga, loose firearms, iligal gambling at Most Wanted Person.
Ayon sa pahayag ni PCol Gauvin Mel Unos , “Ang tagumpay ng operasyong ito laban sa kriminalidad ay isang patunay kung gaano ka determinado ang Laguna Police upang matiyak lamang ang seguridad at katahimikan ng lahat ng mamamayan ng Laguna.”
