KUMPISKADO ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 700 reams ng mga hindi dokumentadong sigarilyo sa Sta. Clara Port, Jubasan, Allen, Northern Samar, ika-20 ng Pebrero 2024.
Ang mga kontrabando ay nasa aluminum van na nagmula sa Zamboanga City at patutungong Oas, Albay.
a nakikipag-ugnayan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) Region 8 ang Coast Guard District Eastern Visayas, Coast Guard Station Northern Samar para sa kinakailangang dokumentasyon at wastong imbentaryo at pag-handle ng mga kinumpiskang item.
Inaalam pa ng mga otoridad ng BIR Region 8 ang ang kanilang personal na detalye at impormasyon ng driver at helper ng nasabing van .
