PASADO na sa kamara sa ikatlong at huling pagbasa ang House Bill 9764, na naglalayong palawigin ang bisa ng mga identification card at certificate of registration ng lahat ng mga propesyunal sa ilalim ng Professional Regulation Commission (PRC) mula sa tatlong taon patungo sa limang taon.
Ang lahat ng 234 na miyembro ng House na present sa plenary session ay bumoto para sa pagpasa ng panukalang batas, na magrereduce ng bilang ng taunang renewal transactions at mag-aalis ng pressure sa sistema ng appointment.
Ang HB 9764 ay isinulat ni Committee on Civil Service and Professional Regulation chairperson at Bohol Rep. Kristine Alexie Tutor, kasama ang Parañaque City Rep. Edwin Olivarez, Ilocos Norte Rep. Angelo Marcos Barba, at Northern Samar Rep. Paul Daza, sa iba pa.
Napagkasunduan din sa final reading na may 231 na affirmative votes ang HB 4646, na naglalayong ideklara ang huling buong linggo ng Setyembre bilang “National Week of the Deaf,” at Setyembre 23 bilang “Filipino Sign Language Day.”