NAWAWALA ang labing-limang mangingisda nang manalasa ang tropical storm na “Enteng” sa Quezon, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) noong Miyerkules.
Ang mga nawawala ay sina boat captain Alexander K. Mahinay, 35; at ang kanyang mga tripulante na sina Edilberto M. Renegio, 49; Noel Cantela, 48; Rodrigo S. Beracis, 46; Rolly S. Rational, 40; Alex Balog, 40; Robert T. Yanag, 37; Alan B. Alicando, 34; Cyril C. Legaspi, 30; Wendel M. Lucero, 27; Randy R. Carpon, 26; Jason William D. Masato, 24; Renaldo A. Labo, 21; Kingjayler B. Mahinay, 20; at Rogan D. Beracis, 19.
Ang lahat ng 15 ay pawang residente ng Visayan Village, Bgy. Dinahican, Infanta, Quezon.
Ayon sa PCG sa hilagang Quezon, iniulat ni Noreen Soronel, may-ari ng FBCA Zshan, sa kanilang istasyon sa Infanta na nawala ang komunikasyon sa kapitan ng fishing vessel noong Martes, Setyembre 3.
Sabi ni Soronel, may 15 mangingisda ang sakay ng bangka.
Sinabi niya na ang huling pakikipag-ugnayan ay nang ang mga mangingisda ay nasa paligid ng Kalongkoan Island sa Bgy. Calotcot, Bordeos Quezon.
Ang PCG, Philippine Air Force helicopter, Philippine National Police, at iba pang mga fishing boats sa h Quezon ay kasalukuyang nagsasagawa ng operasyon para sa search and rescue .
