Photo Courtesy from Mayor Ross Rizal FB Page
ISINAILALIM ang State of Calamity ang lungsod ng Calamba ngayong araw ng Lunes, Oktubre 28, ayon kay Mayor Ross Rizal.
Ipinasa ng Sangguniang Panglunsod ng Calamba City nang isagawa ang assessment ng City Disaster Risk Reduction Management (CDRRM) Council matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine noong nakaraang linggo .
Kasalukuyang nasa evacuation centers ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Kristine at patuloy din ang relief operations sa ibat-ibang mga barangay sa lungsod.
Samantala , inanunsiyo rin sa publiko ni Mayor Rizal na walang face-to-face classes ang mga mag-aarla sa pampubliko at pribadong paaaralan sa lungsod mula sa pre-elementary hanggang senior high mula Oktubre 28 hanggang 31.
Magsagawa pansamantala ng modular learning system base sa direktiba ng Department of Education (DepEd) ng Calamba City .
Para naman sa mga nasa pribadong kolehiyo naman ay ipinauubaya ng ng local na pamahalaan ng lungsod ang suspensiyon ng klase mula sa kanilang pamunuan ng paaaralan.
