
ISANG Korean national ang natagpuang patay sa loob ng sasakyan sa Angeles City, Pampanga noong Biyernes.
Nakilala ng hepe ng pulisya ng Angeles City na si Col. Amado Mendoza Jr. ang biktima bilang si Kim Jae Youn, 56, residente ng Sunset Valley Homes, Bgy. Cut-Cut, Angeles City.
Sinabi ni Christine Cruz, 36 na taong gulang na kasintahan ng biktima, na nakita niya ang sasakyan ni Kim na nakaparada malapit sa kanilang tahanan.
Nang suriin niya ang sasakyan, natagpuan niya ang walang buhay na katawan ni Kim sa upuan ng drayber. Sa tabi ng biktima ay isang palayok na naglalaman ng abo ng hinihinalang nakalalasong uling.
Ang karagdagang imbestigasyon ay napag-alamanan na si Kim ay isang sugalero at sinubukan na niyang magpakamatay ng dalawang beses ngunit nailigtas siya ng kanyang kasintahan.