NAGHAIN noong Lunes ng impeachment complaint ang mga civil society groups laban kay Vice President Sara Duterte sa House of Representatives.
Ang reklamo ay inihain sa Secretary General’s Office sa House of Representatives ng mga civil society organizations, religious leaders, sectoral representatives, at mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings.
Inendorso ito sa Kamara ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña at opisyal na tinanggap ni House Secretary General Reginald Velasco noong 4:30 p.m. Lunes.
Tinukoy ng mga nagrereklamo ang paglabag sa konstitusyon, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, at iba pang krimen bilang batayan para sa impeachment.
Kabilang sa mga nagrereklamo sina dating peace adviser Teresita Quintos Deles, Fr. Flaviano Villanueva, dating Magdalo Party-list representative Gary Alejano at mga pamilya ng mga biktima ng drug war noong nakaraang administrasyon.
Kasama nila si dating senador Leila De Lima, na nagsilbing kanilang tagapagsalita.
“Public office is not a throne of privilege. It is a position of trust. Sara Duterte has desecrated that trust with her blatant abuses of power. This impeachment is not just a legal battle but a moral crusade to restore dignity and decency to public service,” ani pa ni De Lima .
Ayon kay De Lima, mayroong 16 na lumagda sa reklamo.
Samantala, tinawag ni Cendaña na “critical juncture” ang pagsasampa ng impeachment complaint sa paghahangad ng pananagutan ng bansa.
“Today, I formally endorse the first-ever and historic impeachment complaint filed by our citizens against Vice President Sara Duterte. This moment marks a critical juncture in our nation’s demand for accountability. I stand in full support of the brave citizens calling for Duterte to answer for her blatant violations of the constitution, egregious corruption, and complicity in mass murder,”Ayon kay Cendaña, karapat-dapat na ma-impeach si Duterte dahil sa umano’y pag-abuso sa kapangyarihan at pandarambong sa kaban ng bansa. Sinabi rin niya na hindi dapat pahintulutan ng bansa ang “legacy of corruption and mass murder” ng pamilya Duterte na magpapatuloy nang walang kalaban-laban.
Ang reklamo laban sa Bise Presidente ay nagdetalye ng 24 na artikulo ng impeachment, kabilang ang maling paggamit ng bilyun-bilyong piso sa confidential fund sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang alkalde at Bise Presidente ng Davao City, hindi pagsagot sa malaking badyet ng gobyerno, at pagtanggi na dumalo sa mga pagdinig ng kongreso.
Ang reklamo ay inanunsyo rin ang kabiguan ni Duterte na maayos na matugunan ang P125 milyon na kumpidensyal na pondo noong 2022 at karagdagang hindi na-account na P650 milyon noong 2023 para sa Office of the Vice President (OVP) at sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Binanggit din sa reklamo ang umano’y “nigged” na bidding para sa DepEd equipment at mahigit P15 bilyon na hindi nagamit na pondo noong 2023.
Hinarap din ni VP Sara ang mga akusasyon ng panunuhol at hindi maipaliwanag na kayamanan, na may mga pahayag na nakaipon siya ng P111 milyon sa mga personal na account at daan-daang milyon pa sa mga joint account sa kanyang ama.
Inakusahan siya ng pagtataksil sa public trust sa pamamagitan ng pag-abandona sa kanyang mga tungkulin sa panahon ng Bagyong Carina noong Hulyo at hindi pagsagot sa pananalakay ng China sa West Philippine Sea.
Kasama sa iba pang mga kaso ang kanyang pagbibigay ng mga banta laban sa matataas na opisyal.
Nauna rito, hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga mambabatas na huwag magsampa ng impeachment complaint laban kay VP Sara dahil hindi ito ganoon kahalaga at pag-aaksaya lamang ng oras.
Ngunit ang mga mambabatas ng Makabayan — ACT Teachers Party-List Rep. France Castro, Gabriela Party-List Rep. Arlene Brosas at Kabataan Party-List Rep. Raoul Manuel — ay nagsabing para sila sa impeachment proceedings, na anila ay tinatawag na ng panahon at ng publiko.
Kailangan daw na managot ang Bise Presidente sa isyu ng confidential funds at iba pang anomalya sa OVP at DepEd.
Sinabi ng Makabayan solons na ang impeachment complaint ay tungkol sa transparency at accountability at hindi isang bagay na maaaring pag-usapan o diktahan.
