PATAY ang isang national athlete at isa ring Air Force non-commissioned officer nitong Martes matapos pagsasaksakin habang natutulog sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Si Airman First Class Mervin Guarte, 33, Southeast Asian Games multimedalist, ay pinagsaksak sa dibdib ng hindi pa nakikilalang salarin sa bahay ng kanyang mga kaibigan sa Sitio Pinagkaisahan, Bgy. Camilmil, Calapan City bandang alas-4:30 ng madaling araw nitong Martes.
Ang biktima, na nakatalaga sa San Fernando Air Base ng Philippine Air Force sa Lipa City, Batangas ay pinagsasaksak habang natutulog sa sofa ng bahay ng kagawad na si Dante Abel matapos ang kanilang inuman kasama ang ilang kaibigan.
Nakahingi pa ng tulong si Guarte sa mga kalapit na resident kaya naman agad itong isinugod sa Sta. Maria Village Hospital bago ito inilipat sa Mindoro Medical Center, kung saan idineklara siyang dead on arrival nang dumating ang attending physician.
Isang kutsilyong may bahid ng dugo na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay ang narekober ng mga imbestigador at isasailalim sa forensic investigation ng Philippine National Police Forensic Group para matukoy kung pareho itong may DNA samples ng biktima at ng suspek.
Ang mga lokal na residente na sumama kay Guarte sa inuman ay kinukuwestiyon ng pulisya bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na makilala ang pumatay at matukoy ang motibo nito.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo sa lugar ang biktima para sa inuman na nagsimula noong Lunes ng gabi at tumagal hanggang alas-3 ng madaling araw ng Martes.
Natutulog siya nang atakihin ng kutsilyo ng suspek.
Ang kanyang mga kapwa atleta ay nagluluksa sa kanyang pagkamatay.
Nagdala si Guarte ng katanyagan at kaluwalhatian sa Pilipinas sa kanyang malalaking tagumpay sa nakaraang SEA Games, isang biennial multi-sports event na nagtatampok ng mga nangungunang atleta mula sa 11 Southeast Asian na bansa.
PATAY ang isang pambansang atleta na isa ring Air Force non-commissioned officer nitong Martes matapos pagsasaksakin habang natutulog sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Si Airman First Class Mervin Guarte, 33, Southeast Asian Games multimedalist, ay sinaksak sa dibdib ng hindi pa nakikilalang salarin sa bahay ng kanyang mga kaibigan sa Sitio Pinagkaisahan, Bgy. Camilmil, Calapan City bandang alas-4:30 ng madaling araw nitong Martes.
Ang biktima, na nakatalaga sa San Fernando Air Base ng Philippine Air Force sa Lipa City, Batangas ay pinagsasaksak habang natutulog sa sofa ng bahay ng kagawad na si Dante Abel matapos ang isang inuman kasama ang ilang kaibigan.
Nakuha ni Guarte ang tulong sa mga kalapit na residente, na isinugod siya sa Sta. Maria Village Hospital para sa emerhensiyang tulong bago inilipat sa Mindoro Medical Center, kung saan idineklara siyang patay nang dumating ang isang attending physician.
Isang kutsilyong may bahid ng dugo na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay ang narekober ng mga imbestigador at isasailalim sa forensic investigation ng Philippine National Police Forensic Group para matukoy kung pareho itong may DNA samples ng biktima at ng suspek.
Ang mga lokal na residente na sumama kay Guarte sa inuman ay kinukuwestiyon ng pulisya bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na makilala ang pumatay at matukoy ang motibo nito.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo sa lugar ang biktima para sa inuman na nagsimula noong Lunes ng gabi at tumagal hanggang alas-3 ng madaling araw ng Martes.
Natutulog siya nang atakihin ng kutsilyo ng suspek.
Ang kanyang mga kapwa atleta ay nagluluksa sa kanyang pagkamatay.
Si Guarte ay naging tanyag at nagbigay ng karangalan sa Pilipinas sa kanyang dahil sa tagumpay sa nakaraang SEA Games, biennial multi-sports event na nagtatampok ng mga nangungunang atleta mula sa 11 Southeast Asian na bansa.
Nanalo ang biktima ng dalawang silver medals sa men’s 800-meter at 1500-meter track events noong 26th SEA Games na ginanap noong Nobyembre 11 hanggang 22, 2011 sa Jakarta, Indonesia.
Sa ika-30 edisyon ng SEA Games na ginanap sa Maynila mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, 2019, nakakuha siya ng gintong medalya sa men’s 5-kilometer race.
Bahagi rin siya ng gold-winning Philippine men’s team relay team noong ika-32 edisyon ng SEA Games na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia mula Mayo 5 hanggang 17, 2023.
Ang bemedaled athlete ay namuno din sa Spartan 2024 APAC Championship men’s beast 21-km category na ginanap sa Fiji noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Nagluluksa ang Philippine sports community sa malagim na pagkamatay ni Guarte.
