ARESTADO ang lider ng Alipon carnapping group na sangkot sa Rent-tangay/Rent-sangla/Pasalo at iba pang scheme makaraang magsagawa ng operasyon ang Regional Highway Patrol Unit 4A sa Barangay Halang, Calamba City ngayong araw ng Enero 8, 2025.
Sa ilalim ng pangangasiwa ni Regional Chief ng RHPU Col Rommel Estolano , natimbog si isang Nemencio Alipon y Taladro , 39-anyos na naninirahan sa 7855 Graceland Subdivision, San Isidro, Calauan, Laguna.
Nagsagawa ang mga tauhan ng intel driven police operation a pangunguna ni PMaj German Jones Litdog, C, Intel/Inves Section at PHPT-Laguna bandang ala-1:30 ng hapon ng Lunes kung saan ipinatupad ang pagaresto sa Most Wanted person sa city level sa bisa ng Warrant of Arrest sa ilalim ng Criminal Case No. 24-6849-SRCL para sa Crime of Carnapping na inisyu ni Hon. Gil Jude Franco Sta Maria Jr, Presiding Judge ng Branch 102 Fourth Judicial Region, Sta Rosa City, Laguna.
Kabilang sa watchlist si Alipon na tumatayong lider ng sindikato ng ngunit binuwag ito noong 2023 dahil sa kanyang nakaraang pagsuko at mga miyembro ng gang.
Agad na dinala sa RHPU4A Investigation Section para sa dokumentasyon at tamang disposisyon ang akusado .
Ang tagumpay ng RHPU4A ay bunga ng pinaigting na Anti-Carnapping Operations ng Highway Patrol Group sa pamumuno ni PBGen William Segun, sa utos ni CPNP’s na ipatupad ang Aggressive Law Enforcement operations laban sa carnapping, highway robbery, at iba pang uri ng krimen sa kakalsadahan .
