ISANG Pinay na may dalang illegal na droga ang hinarang ng Bureau of Immigration (BI) anti-terrorist group (ATG) nitong Huwebes ng gabi.
Ayon kay BI-ATG head Bienvenido Castillo III nakilala si Joy Dagonano Gulmatico, 29, matapos itong dumating mula sa Sierra Leone sakay ng Ethiopian Air flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Sinabi ni Castillo na namonitor nila ang kahina-hinalang flight pattern na kinuha ng subject, kaya agad nilang inirekomenda na siya ay inspeksyunin ng mga miyembro ng NAIA drug interdiction task group (DITG).
Ininspeksyon ng mga tauhan ng Bureau of customs (BOC) ang mga bagahe ni Gulmatico ay natagpuan ang mga kahina-hinalang substance na nakatago sa loob ng lining ng 4 na handbag at 1 maleta.
Agad na inspeksyon ang mga miyembro ng NAIA-DITG kabilang ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group, Airport Police Department, PNP Drug Enforcement Group, at National Bureau of Investigation upang kumpirmahin ang powdery substance na positibo sa cocaine, na umaabot sa 4.574 kilo na may street value na higit sa 24 milyong piso.
Si Gulmatico ay nahaharap sa mga kaso para sa drug trafficking, sa paglabag sa mga batas ng Pilipinas.
