Tarlac City – MAHIGIT 1,183 Tarlaqueño farmers at fisher folks ang nabigyan fuel assistance cards worth P3,000 mula sa Department of Agriculture (DA)-Central Luzon kasama sina Governor Susan Yap at Congressman Christian Tell Yap na ginanap sa Bulwagang Kanlahi ng Diwa ng Tarlac noong January 22, 2025.
Ang mga nabigyan ng ayuda ay mula sa bayan ng Anao (20 individuals), Bamban (3), Camiling (35), Capas (4), Tarlac City (45), Concepcion (415), Gerona (165), La Paz (246), Mayantoc (1), Moncada (111), Paniqui (74), Pura (9), Ramos (14), San Clemente (3), San Manuel (20), at Victoria (18).
Ang mga fuel assistance cards ay maaring gamitin sa pagbili ng diesel o gasoline sa anumang gas station na tumatanggap ng card payments o gumagamit ng Portable Card Machines (PCMs).
Ani Gov. Yap, ang probinsiya ng Tarlac ang tinaguriang fastest-growing agricultural economy in the Philippines sa nakaraang survey na isinagawa noong 2024.
“Patuloy po naming susuportahan ang ating mga magsasaka at mangingisda dahil napakalaki ng kanilang kontribusyon sa ating agrikultura. Pagyamanin pa natin at patuloy na pangalagaan ang agrikultura sa ating lungsod,” dagdag ba niya.
