PINAGHAHANAP ng mga operatiba ang apat na drug personalities na kinilalang mga Indonesian national, isang Chinese-looking individual at isang Pinay matapos respondehan ng Bureau of Fire Protection-Tanza ang insidente ng pagsabog sa Leon Fojas Street, Barangay Sahud-Ulan, Tanza, Cavite nitong araw ng Martes , Enero 28 bandang ala-6 ng umaga .
Tumambad sa mga miyembro ng BFP Tanza ang iba’t ibang drug paraphernalia, kagamitan, at iba’t ibang uri ng hinihinalang kemikal na ginagamit sa paggawa ng droga kaya naman agarang nakipag-koordinasyon sa PDEA Regional Office IV-A, Tanza Municipal Police Station, at Scene of the Crime Operatives Region IV-A (SOCO 4A) ang BFP .
.Ang mga piraso ng drug evidence ay dinala na sa PDEA Laboratory at kasalukuyang sinusuri ng Chemists, habang ang non-drug evidence ay nasa ilalim ng PNP Laboratory Region IV-A.
Mga kasong paglabag sa Section 8 (Manufacture of Dangerous Drugs and/o Controlled precursors and Essential Chemicals) ng Article II, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ay inihahanda na para sa pagsasampa habang patuloy ang koordinasyon ng PDEA, PNP at NBI para sa mga posibleng follow-up na operasyon.
