(2nd update)
PUMABOR ang 215 kongresista sa mababang kapulungan na ipa-impeach si Vice -President Sara Duterte.
Mahigit 1/3 o 102 sa iinaasahang boto ng mambabatas ang lumagda upang mapatalsik at maisulong sa senado ang kaso.
Pangungunahan ng prosekusyon ng kamara angimbestigasyon sa pamamagitan nina Batangas Rep. Gerville Luistro, Rep. Romeo Acop, Rep. Rodge Gutierrez, Rep. Joel Chua, Rep. Raul Angelo Bongalon, Rep. Loreto Acharon, Rep. Marcelino Libanan, Rep. Arnan Panaligan, Rep. Isabel Maria Zamora, Rep. Lawrence Defensor, Rep. Jonathan Keith Flores
Kinumpirma ito ni Secretary General Reginald Velasco ng House of Representatives ngayong araw ng Miyerkules .
Pinagbotohan ito ng mga 153 kongresista bandang alas-2 ngayong huling araw ng session .
Hanggang sa bandang alas-3 ng hapon ay nakakalap ng pirma ang Ilo-ilo 1st District ]Representative Janette Garin upang maiakyat sa senado .
Ito na ang ika-apat na impeachment complaint na inihain sa bise-presidente.
