NATIMBOG ang 6 na Korean national nang salakayin ng Bureau of Immigration (BI) ang hinihinalang illegal online gambling hub sa isang hotel sa Pasay City.
Kabilang sa mga naaresto ay si Ha Jungjo, na may record na overstaying sa bansa habang ang ibang nahuling dayuhan ay may mga permanenteng residenteng visa ngunit nahuli sa aktong nagpapatakbo sa pinaghihinalaang sentro ng pagsusugalan .
Sa ulat ni BI fugitive search unit (FSU) chief Rendel Ryan Sy na ang 6 na Koreano ay inaresto sa pakikipag-ugnayan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at ng Criminal Investigation and Detection Group Southern Police District Field Unit (CIDG-SPIDFU)
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, isinagawa ang raid nitong Pebrero 17 kasunod ng opisyal na komunikasyon ng PAOCC hinggil sa hinihinalang ilegal na aktibidad ng nasabing mga dayuhan.
Kinumpirma ng mga awtoridad ng Korea na ang mga transaksyon sa pera na Korean currency ay mga naka-link na bank account at aktibong nakikilahok sa mga aktibidad ng ilegal na pasugalan.
Ang operasyon ay naaayon sa kampanya ng Pangulo upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga dayuhan sa pag-aresto sa border .
Nasa kustodiya na ng PAOCC ang 6 na Koreano na nahaharap sa deportasyon at blacklisting mula sa bansa.
