ARESTADO ang tatlong miyembro ng sindikatong sangkot sa pammemeke ng immigration departure stamps para makapambiktima ng Pilipinong nais magtrabaho ng ilegl sa ibang bansa.
Ikinasa ang entrapment operation noong Pebrero 4 ng Manila International Airport Authority Airport Police Department (MIAA-APD) hulihin ang mga sindikatong naningil umano ng aabot sa PhP 120,000 sa mga biktima nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng pekeng immigration departure stamp para mapadali ang kanilang iligal na pag-alis sa bansa, na nagpapahintulot sa kanila na magtrabaho bilang mga turista sa ibang bansa.
Kinumpirma ng verification ng forensic documents laboratory ng BI na ang mga selyong ginamit para sa dalawang babaeng biktima noong Enero 1 at 21 na pawang mga peke.
Nagpahayag ng pasasalamat si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado Viado sa MIAA-APD sa kanilang mabilis na pagkilos, at sinabing, “Ang matagumpay na operasyong ito ay isang patunay ng kahalagahan ng pagtutulungan sa pagpapatupad ng batas.
Patuloy nating hahabulin ang mga nagsasamantala sa ating mga mamamayan at nagpapabagabag sa mga pamamaraan ng imigrasyon.”dagdag pa nito.
