NATIMBOG ng pulisya nitong Martes ang isang “high-value” drug target kung saan nasamsam ang hindi bababa sa P1.7 milyong halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Bgy. San Vicente, Sto. Tomas, Pampanga.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, Pampanga police director Col. Jay Dimaandal kinilala ang suspek na si “Nato,” 41, ng Bgy. Bulaon, City of San Fernando, Pampanga.
Nagsagawa ang mga miyembro ng Pampanga Police Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), sa koordinasyon ng Sto. Tomas police at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 3 (PDEA R3 ng buy-bust operation sa suspek kung saan nakuhanan ng humigit-kumulang 255 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,734,000, isang mobile phone, at isang itim na motorsiklo na ginagamit umano ng suspek sa kalakalan ng iligal na droga.
Nasa pangangalaga na ngayon ng pulisya ang suspek.
