TIMBOG ang tatlong Nigerian national, kabilang ang isang umano’y evangelist pastor, na inakusahan ng pagkakasangkot sa big-time drug trafficking activities sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Bacoor City, Cavite nitong Biyernes ng gabi.
Nasamsam ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang halos P11.336 milyong halaga ng shabu at ecstasy tablets.
Kinilala ng PDEA ang mga naaresto na si “Stanley,” 34, sinasabing isang evangelist pastor; alyas ‘Ik,’ isang 30-anyos na estudyante; at isang alyas na “Kenneth,”23, isang walang trabaho, pawang mga residente ng Bacoor City.
Sa ulat mula sa PDEA na pinamumunuan ni Director General Isagani R. Nerez, sinabi na ang unang dalawang suspek ay naaresto ng mga undercover na opisyal ng Regional Office 4-A at Cavite Provincial Office sa isang buy-bust operation sa harap ng isang botika sa Bgy. Molino III dakong 8:40 p.m. Biyernes.
Nakumpiska sa dalawa ang 800 piraso ng hinihinalang ecstasy tablet na nagkakahalaga ng P1.360 milyon; isang heat-sealed plastic packet na naglalaman ng tinatayang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000 at ang buy-bust money.
Naaresto ang ikatlong suspek makalipas ang halos tatlong oras sa isinagawang follow-up operation sa Magdiwang Road sa Bgy. Molino II.
Narekober mula sa ikatlong suspek ang walong plastic bag na naglalaman ng 4,753 piraso ng pink, blue, purple, brown, gray at orange tablet na pinaniniwalaang designer ng gamot na tinatawag na ecstasy, isang plastic packet na naglalaman ng humigit-kumulang 230 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.565 milyon at ilang bag na naglalaman ng hinihinalang powdered ecstasy.
Nasa P9.636 milyon ang halaga ng drogang nakumpiska sa ikatlong suspek.
Non-bailable charges for sale at possession of prohibited drugs sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa mga naarestong Nigerian national.
