DINGASA ng daan-daang residente ng lungsod ng Calamba ang kauna-unahang Libreng Laboratory test nitong Martes ng umaga.
Pinangunahan ni dating Laguna 3rd District Representative at tumatakbong gobernadora na si Sol Aragones ang paglulunsad ng Chem-8 Laboratory Test para sa pasyente na ginanap sa Old Calamba Medical Center sa Barangay Real , Calamba City.

Maglalaan ng 1,000 slots para sa mga pasyenteng nagnanais na magpakuha ng Chem- 8 laboratory test tulad ng BUA, FBS , Lipid Profile , ALT (SGPT) ,AST (SGOT), BUN , Creatinine at CBC.
Nagsimula ang orientation sa mga pasyente ngayong Marso 4, 2025 mula alas-9 ng umaga hanggabf alas 12 ng tanghali.
