SASAILALAIM sa komprehensibong pagsasanay sa kaligtasan sa kalsada ang lahat ng driver at konduktor ng public utility vehicle (PUV ) bilang para sa pag-renew ng prangkisa base ito sa anunsiyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong araw ng Miyerkules.
Sinabi ni LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III na ang mandatory training ay naglalayong bawasan ang bilang ng mga aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng mga PUV at matiyak ang mga driver na umusunod sa mga patakaran at regulasyon sa trapiko.
Batay sa Memorandum Circular No. 2024-040, bubuuin ng LTFRB ang Driver’s and Conductor’s Academy Program (DCAP) ang akreditasyon ng mga driving school na magsasagawa ng pagsasanay at ang mandatory road safety education ng mga driver at conductor ng PUVs.
Ang lahat ng PUV driver at conductor na kasalukuyang may hawak ng prangkisa, valid at may CPC , Provisional Authority (PA) at Special Permits (SP), ay kinakailangang kumpletuhin ang kinakailangang kurso na idinisenyo ng LTFRB.
Ang enrollment fee sa programa ay may kauukulang bayad na P2,000 at dapat makumpleto sa loob ng hindi bababa sa dalawang araw ngunit hindi lalampas sa walong araw.
“The first 12 hours of the training will be composed of three components, first may lecture on road safety, the number two they have to undergo a psychological exam or if fit ka to drive or how the driver will react in situations while driving or if the driver has anger issues, and number three would be teaching them basic first aid and life support during accidents,”paliwanag ni Guadiz.
“The pilot implementation of this training program will be confined first to Metro Manila and will be limited only to bus and to truck drivers and conductors, then from there ilalabas namin after three months to other metropolitan areas in the Philippines. Then for its second year, isasama na namin ang UV and jeepneys and the last phase will be motorcycle taxis and TNVS. So hindi isang bagsakan ang training,” “ dagdag pa nito.
Magtatatag din ang LTFRB ng mga monitoring system na magtitiyak sa pagsunod ng lahat ng PUV operators na kumuha at magparehistro lamang ng mga PUV driver na nakapasa sa kinakailangang patuloy na road safety training.
MAtatamndaan noong 2022, ang MMDA ay naitala ang hindi bababa sa 58,000 na road crash, o may average ng 157 na insidente araw-araw.
Noong 2023, nakapagtala naman ang MMDA ng 44,493 road crashes mula Enero 2023 hanggang Hulyo 2023.
Sa 44,493 na naiulat na aksidente sa kalsada, humigit-kumulang 32,800 ang nagresulta sa pinsala sa ari-arian, habang 11,525 na insidente ay hindi nakamamatay na may 168 na nakamamatay na pag-crash sa kalsada.
