MAY handog na libreng sakay para sa mga kababaihang pasahero nito ang pamunuan ng MRT-3 sa March 8, bilang pagdiriwang ng Women’s Day.
Libreng makakasakay ang mga babaeng pasahero mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m., at mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.
Ayon kay General Manager Oscar B. Bongon, ang Libreng Sakay ay bilang pagkilala at pasasalamat sa mga kababaihan at sa kanilang mahalagang papel sa lipunan.
Ang “ Libreng Sakay” po ay simpleng paraan ng MRT-3 upang maipakita ang suporta sa bawat Juana at mabigyang-pugay ang kanilang mga sakripisyo para sa kanilang mga pamilya. Nawa ay magdulot ito ng kahit kaunting kaginhawaan sa kanila sa kanilang espesyal na araw,” sabi ni Bongon.
Mamamahagi rin ang pamunuan ng MRT-3 ng special Women’s Month tokens sa mga kababaihang pasahero .
