HUMARAP sa International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes sa pamamagitan ng video link sa Hague, Netherlands, kung saan nahaharap siya sa mga alegasyon sa kanyang war on drugs.
Ang 79-taong-gulang na si Duterte ay pinahintulutan ang mga paglilitis noong Biyernes sa pamamagitan ng video link mula sa isang detention center matapos sabihin ni Presiding Judge, Iulia Motoc na siya ay nagtiis ng “a long journey with considerable time difference”.
Inabisuhan si Duterte ng korte ng mga krimen na umano’y ginawa niya.
Ipinaalam din sa kanya ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Rome Statue.
Mahina ang boses at nakasuot ng asul na suit at kurbata, ang dating pangulo nang magsalita ito ng bahagya upang kumpirmahin ang kanyang pangalan at petsa ng kapanganakan.
Sinabi ng abogado ni Duterte na si Medialdea sa korte na ang kanyang kliyente ay’ kinidnapped’ mula sa kanyang bansa at mabilis na dinala sa The Hague.
Sinabi niya sa abogado, ang insidente ay isang extrajudicial rendition,at ito ay “pure and simple kidnapping.”
Sinabi rin ng legal na tagapayo ni Duterte na ang kanyang kliyente ay hindi makapag-ambag sa mga paglilitis dahil sa tinatawag niyang “ debilitating medical issues..” Ngunit sinabi ni Motoc na ang doktor ng hukuman na nagsuri kay Duterte ay may opinyon na siya ay “fully mentally aware and fit.”
Nagsimula ang mga paglilitis bandang 2:34 p.m. at natapos ng 2:59 p.m.
Itinakda ng ICC court ang susunod na pagdinig sa kumpirmasyon ng mga kaso para sa Set. 23, 2025.
“After assessing all factors, including the need for the parties and participants to adequately prepare, as well as Mr. Duterte’s rights, including his right to be tried within a reasonable time, the date for the commencement of the confirmation of charges hearing is September 23, 2025,” sabi ni Motoc .
“I would add that in accordance with Rule 1217 of the Rules of Procedure and Evidence, this date may be postponed by the Chamber depending on the progress of the proceedings, either on its own motion or at the request of the prosecutor or the defense,” dagdag pa nito.
Samantala, nasa gallery ang anak ni Duterte na si Vice President Sara Duterte, Sen. Robin Padilla, at dating presidential spokesperson attorney na si Harry Roque sa mga paglilitis.
Naroon din si Philippine Ambassador to the Netherlands Jose Eduardo Malaya III.
Ang Bise Presidente ay naglakbay sa Netherlands upang ipahayag ang suporta sa kanyang ama.
Inaresto si Duterte noong Martes batay sa warrant ng ICC para sa umano’y crimes against humanity dahil sa kanyang madugong giyera kontra droga.
Dinala siya sa Hague sa Netherlands upang ipagtanggol ang sarili sa harap ng ICC.
Dumating si Duterte sa Rotterdam airport sakay ng isang chartered plane noong Miyerkules at inilipat sa ICC detention center.
Matatandaan na sa pagdinig ng Senado noong nakaraang taon, sinabi ng dating pangulo: “Ginawa ko ang dapat kong gawin, at maniwala ka man o hindi, ginawa ko ito para sa aking bansa.”
