SUMIKLAB ang sunog noong Linggo na tumama sa lumang gusali ng Ospital ng Maynila (OSMA) sa Quirino Avenue sa Malate, Maynila.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog ala-1:30 ng madaling araw ng Linggo sa ground floor ng gusali at itinaas sa first alarm.
Agad na kumalat ang apoy at umabot sa ikalimang palapag.
Siyam na firetruck mula sa BFP, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office at mga fire volunteer ang rumesponde at naapula ang apoy.
Idineklara ng mga bumbero ang fire out dakong 2:27 a.m. ng araw ding iyon.
Walang naiulat na nasugatan.
Sinabi ng mga tauhan ng ospital sa mga imbestigador na nagmula sa isang silid kung saan nakaimbak ang mga medikal na suplay ay naapektuhan ng sunog.
Patuloy ang imbestigasyon kung ano ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala sa sunog.
