HINIMOK ni Senator Win Gatchalian ang Department of Energy na tiyaking nasa tamang landas ang maintenance ng mga natural gas plants at hindi mapapalawig ang nakatakdang shutdown ng naturang mga planta.
Nananwagan si Gatchalian , na vice chairman ng Senate Committee on Energy kasunod ng anunsyo ng DOE na ang South Premiere Power Corp. at Excellent Energy Resources, Inc., na pinagsamang pag-aari ng Meralco PowerGen, San Miguel Global Power, at Aboitiz Power, ay magsasara ng mga pasilidad sa weekend.
“Kinikilala namin na ang preventive maintenance ay kritikal upang hadlangan ang hindi planadong downtime, na negatibong nakakaapekto sa mga negosyo at nakakaabala sa mga consumer ng enerhiya. Umaasa kami na ang DOE ay magagawang matiyak na ang aktibidad na ito ay hindi magdudulot ng hindi nararapat na pagkawala ng kuryente,” sabi niya.
Ayon kay Gatchalian, dapat mahigpit na subaybayan ng DOE ang sitwasyon upang matiyak na ang preventive maintenance activities at matapos sa tamang oras.
Sinabi pa ng senador na ang panawagan ng DOE para sa mga consumers na isagawa ang energy efficiency at conservation bilang isang regular na ugali upang makatulong na palakasin ang magagamit na supply ng enerhiya at maiwasan ang power interruptions. Bilang karagdagan, ang ganitong mga pagsisikap sa pag-iingat ay makakabuo din ng mga pagtitipid para sa mga mamimili.
