NSABAT ng mga pinagsanib na operatiba nitong Biyernes ang nasa 994 gramo ng imported na shabu na nagkakahalaga ng P6,759,200 sa Port of Clark sa Pampanga.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Clark, idineklara ang parsel bilang “spare parts” mula sa East Africa.
Dumating ang kontrabando sa Port of Clark noong Marso 26.
Natuklasan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang shabu sa isang routine profiling shipment at x-ray examinations ang nilalaman ng parcel kasunod ang K-9 ng PDEA Special Enforcement Service (SES) K-9 Unit ay nagbunga ng positibong resulta para sa iligal na droga.
Nakumpiska ang apat na transparent plastic package na naglalaman ng hinihinalang shabu at sasailalim sa forensic examination sa PDEA Regional Office 3 laboratory.
Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PDEA Clark International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, BOC-Port of Clark, National Bureau of Investigation (NBI) Pampanga District Office, at PNP Aviation Security Unit 3.
