Tabuk City, Kalinga –TATLONG katao ang natagpuang patay matapos di-umano’y makipagbarilan sa Purok 7, Barangay San Julian, kaninang umaga .
Ayon sa Tabuk Muncipal Police Station , ang mga biktima ay sina Santos Calsiyao, Tokar Calsiyao at Leo Palat Calsiyao at lahat ay residente ng Brgy Basao Dilag, Tabuk City, Kalinga.
Sa imbestigasyon na isinagawa ng mga otoridad, dakong 7 am ng April 24, 2025, sila ay nakatanggap ng tawag ng insidente ng barilan sa naturang lugar at sa kanilang pagresponde ay natagpuan ang mga walang buhay na katawan ng tatlong biktima na nakahandusay sa daan.
Ang mga bangkay ay may mga hawak na kanya-kanyang mga baril, dalawang M-16 Armalite rifles at isang shotgun. Ang tatlo ay diumanoy sangkot sa barilan sa mga hindi pa kilalang mga armadong lalaki malapit sa bahay ng isang barangay kagawad.
Isa namang hot pursuit operation ang inilunsad ng mga otoridad sa lugar upang matukoy ang pinagtataguan ng mga suspek.
