KALIBO, Aklan –PATAY sa pamamaril ng mga di nakikilalang gunman ang 89-anyos na si Juan P. Dayang, ang chairman emeritus ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI) at isang kilalang personalidad sa pamamahayag ng Pilipinas, sa kanyang tahanan sa Casa Dayang sa Villa Salvacion nitong Martes, Abril 29, 2025.
Si Dayang ay nagtamo ng malalang sugat sa leeg at dalawang tama ng bala sa likod nang pagbabarilin isang hindi kilalang gunman, bandang alas-8:33 ng gabi .
Ang mga suspek na naka-bonnet ay nagpakawala ng tatlong putok mula sa labas ng kanyang tirahan habang nanonood ng telebisyon at agad itong ideneklarang dead on arrival sa Dr. Rafael S. Tumbocon Memorial Hospital .
Base sa salaysay ng caretaker ni Dayang na si Marjorie Yap, napansin nito dakong alas-9 ng umaga noong Martes na may nagmamasid ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na naka-bonnet na sakay ng motorsiklo malapit sa tirahan ni Dayang.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente habang sinusuri ang mga kuha ng CCTV mula sa lugar upang makilala ang mga suspek na agad na nakatakas sakay ng motorsiklo.
Habang inaalam pa din ang motibo sa posibleng motibo ng pamamaslang .
Matatandaang naging kontribusyon sa karera ni Dayang ay umabot sa dekada. Naglingkod siya bilang pangulo ng PAPI sa loob ng mahigit 20 taon, na nag-iwan ng hindi maalis na marka sa organisasyon at sa tanawin ng paglalathala ng Pilipinas.
Siya ay presidente ng Manila Overseas Press Club na dating direktor ng National Press Club, at founding president ng Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines. Nakamit din ni Dayang posisyon ng Kalihim ng Catholic Mass Media Awards.
Naglingkod din bilang alkalde si Dayang sa kanyang bayan sa Kalibo, Aklan, sa dating administrasyon ni Pangulong Corazon Aquino.
Samantala, marring kinokondena ni PAPI President Nelson S. Santos: ng pagpaslang kay Dayang , sa isang panayam sa radyo aniya, “Mahigpit naming kinokondena ang pagpatay na ito, at nananawagan kami para sa hustisya. HINDI niya deserved ang malupit at walang sense na wakas.”
Sinabi pa ni Santos na taimtim na hinihimok ng PAPI ang Presidential Task Force on Media Security (PFTOMS) at ang mga katuwang nitong awtoridad na agarang imbestigahan ang kaso ni Dayang upang tukuyin ang mga pumatay at utak sa likod ng pagpatay.
“Nakikiisa kami sa buong komunidad ng media sa paghingi ng hustisya para sa ating Chairman Emeritus at sa kanyang pamilya. Ipinaaabot din namin ang aming taos-pusong pakikiramay sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay,” dagdag pa ni Santos.
