Quezon City – SUMASAILALIM ngayong araw ang lahat ng drivers, conductors kasama na ang mga empleyado ng Pangasinan Solid North Transit Incorporated sa isinagawang mandatoy drug testing ng Land Transportation Agency at Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa kanilang Bus Terminal sa EDSA Cubao.
Sangkot ang SolidNorth sa nakaraang trahedya sa may bungad ng tollway ng SCTEX noong nakaraang lingo na ikinamatay ng may sampung katao matapos nitong banggain ang isang van na sumalpok naman sa isang truck.
Ayon naman sa pamunuan ng bus company, humuhingi sila ng paumanhin sa nangyari at sinigurado nilang sasagutin nila ang lahat ng mga gastusin ng mga naging biktima ng aksidente.
Ang kumpanya ay binigyan ng LTO ng 30 day suspension at tinaggalan ng lisensya ang drayber na sagkot sa insidente habang ito ay iniibestigahan.
Humihingi naman ng tulong ang mga empleyado na nagtatrabaho bilang no work, no pay ng konting ayuda sa gobyerno upang may maipanggastos sa pang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya habang sila ay suspendido.
Ang mandatory drug testing naman ay pinangasiwaan ni LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II.
