Binmaley, Pangasinan – Nagsumite ngayong araw ang incumbent Vice Mayor ng Binmaley,Pangasinan na si Simplicio Rosario ng kanyang irrevocable na leeter of resignation sa opisina ni Governor Ramon Guico III.
Ayon kay Rosario ang dahilan umano ay ang matagal nang hindi pagkakasundo sa kasalukuyang alkalde na ngayo’y re-elected mayor at sa mayoryang Miyembro ng Sangguniang Bayan sa iba’t ibang makabuluhang polisiya at mga bagay na personal.
Si Vice Mayor Rosario ay tumakbo para alkalde nakaraang May 12, 2025 National and Local Elections ngunit tinalo siya ng re-electionist na si Mayor Pete Merrera.
Kasabay ng pagbibitiw sa pwesto ni Binmaley Vice Mayor Rosario ang pagresign din ng kanyang anak na si Jonas Rosario bilang kapitan ng Brgy.Nagpalangan.
Wala naming sinabing mabigat na rason sa kanyang pagbibitiw at nagpaabot pa ng pasasalamat sa kanyang mga kababayan sa kanilang ibinigay na suporta sa kanyang panunungkulan.
