GAGAMIT ng siyensiya at teknolohiya tulad ng forensics, drones, at body cameras ang Philippine National Police (PNP) upang palakasin ang pwersa at papagiging epektibo nito.
Sa isang press briefing ng Palasyo, sinabi ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III ang kritikal na papel ng agham at teknolohiya sa kanyang patuloy na pagsisikap na gawing moderno ang puwersa ng pulisya, isang bahagi ng apat na estratehikong haligi na pinaplano niyang ipatupad sa panahon ng kanyang pamumuno.
Sinabi ni Torre na ang forensics ay magiging isang sentral na elemento sa modernong pagpapatupad ng batas, na may siyentipikong ebidensya na ngayon ay nangunguna sa gawain ng pulisya.
“Science will always play a better role in our policy right now,”
Binigyan din ni Torre kung paano isinasama na ng PNP ang mga makabagong teknolohiya sa pang-araw-araw na operasyon.
“Ang ating mga body camera ay nakikita natin habang live na andoon sa field dala-dala ng ating mga tauhan and so many other things,” aniya.
Sinabi pa ni Torre na ang PNP ay muling nagpapakilala ng drone patrols bilang bahagi ng pinahusay nitong kakayahan sa pagbabantay.
Ang modernization thrust ay isang mahalagang bahagi ng mas malaking reform framework ng Torre, na idinisenyo upang pahusayin ang kredibilidad, kakayahang tumugon, at teknolohikal na kakayahan ng PNP.
