PASADO na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa nitong Miyerkules ang panukalang batas na naglalayong magtaas ng P200 arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Nakakuha ng botong 171 afirmative, isa sa negatibo at walang abstention, inaprubahan ng plenaryo ang House Bill 11376 o ang panukalang Wage Hike Para sa Minimum Wage Workers Act .
Nakasaad sa seksyon 3 ng panikalang batas, “Sa bisa ng Batas na ito, ang pang-araw-araw na rate ng lahat ng pinakamababang sahod na manggagawa sa pribadong sektor, anuman ang katayuan sa pagtatrabaho, kabilang ang mga nasa kontraktwal at sub-kontraktwal na kaayusan, agrikultura man o hindi pang-agrikultura, ay tataas ng dalawang daang piso (P200) bawat araw,” .
“Wala sa Batas na ito ang dapat pumipigil sa kani-kanilang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards na magbigay ng karagdagang pagtaas sa mga manggagawa at empleyado, na maaaring matukoy alinsunod sa kanilang mandato sa ilalim ng Republic Act No. 6727, kung hindi man ay kilala bilang ‘Wage Rationalization Act,’ bilang susugan.”
Kung malagdaan bilang batas, ito ang magiging kauna-unahang isinabatas na nationwide wage hike simula noong Wage Rationalization Act noong 1989.
Nakasaad sa HB 11376 na gaya ng itinatadhana ng Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act, ang mga BMBE ay dapat na hindi kasama sa saklaw ng Minimum Wage Law.
Ang parehong panukalang batas ay nagsabi na gaya ng itinatadhana ng Wage Rationalization Act, “at mga nauugnay na alituntunin ng National Wages and Productivity Commission, ang mga ito ay maaaring mag-aplay para sa exemption mula sa pagsunod sa paksang pagtaas ng minimum na sahod: “mga retail o service establishment na regular na gumagamit ng hindi hihigit sa sampung (10) manggagawa;” at “mga establisimiyento na naapektuhan ng mga natural na kalamidad o mga sakuna na dulot ng tao.”
