Santa Cruz, Laguna – TINUTUNTON na ng mga awtoridad ang mga nagpapakalat sa social media at iba’t ibang chat groups ng mensaheng pananakot at pagpapasabog sa mga eskwelahan at tanggapan ng gobyerno sa bayan ng Sta. Cruz kaninang umaga , Hunyo 18, 2025.
Base sa ulat ng pulisya , bandang alas-6 ng umaga ngayong araw ng Miyerkules, kanselado angpasokj sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Sta. Cruz kasama na rin ang munisipyo, kapitolyo, Guevarra, LSHS , Sta.Cruz , Integrated , Complex at Central ng naturang lugar.
Nakasaad sa kumalat na bomb scare text, “Warning: Kami ay isang unmanimous group na magpapasabog ng gusali . Mayroon kaming itinanim na bomba at ito po ay naka-self destruct pagkalipas lamang ng ilang oras”.
Agad na kinondena ni Laguna Governor-elect Sol Aragones sa kanyang Facebook live ang banta na lubhang nakakaabala sa mga bata at mga tanggapan ng gobyernong naaantala ang trabaho at transaksyon dahil sa pagkansela ng pasok .
Aniya,hindi nakakatawa ang mga birong ito at sana’ y na rin aniya siya sa ibat ibang kwento at mukha ng ” bomb scare” sa kanyang labing tatlong taong pamamahayag.
Sinabi rin niya na hindi siya titigil at ang PNP sa pagpapaimbestiga ng bomb threat, upang hindi na maulit pa ito sa panahon ng kanyang pag-upo sa Hunyo 30 at inagurasyon sa Hulyo 2.
Mahaharap sa patong-patong na kaso ang sino mang mapatunyang naging sanhi ng pananakot tulad ng 5 taong pagkakakulong at multa sa ginawang pananakot sa mamamayan ng lalawigan .
