
Photo courteasy: ABS-CBN
NASAWI ang tatlo katao kabilang ang isang buntis habang limang estudyante ang malubhang nasugatan sa nangyaring aksidente bandang alas 12: 50 ng madaling araw nitong Hunyo 17 sa kahabaan ng Bypass road, Brgy Zambal, Tagaytay City, Cavite
Tinukoy ng mga awtoridad ang mga nasawi sa salpukan ng kotse at van na sina Jemar Pelias, 47 anyos, driver ng Toyota Corolla, residente ng Brgy. Manggas II, Alfonso; Jenalyn Emberga,na isang buntis, residente ng San Fernando, Pampanga at isa pang hindi nakilalang lalaki.
Mabilis naman isinugod sa pagamutan ang driver na nasa kritikal na kalagayan habang at mga sakay ng van na mga estudyante na nakasalpok sa kotse ng mga biktima na kinilalang sina Francesco Maurisse Tan Erni, 18 anyos, driver ng Nissan Grand Livina XR Luxury 1.8L, residente ng Brgy. Galacia III, Mendez; Dan Kian Mickell Decasa, 18 anyos ng Galacia II, Mendez; Gabriel Ronald Lomibao, 19 anyos, residente ng Brgy Patutong Malaki North, Tagaytay City; Jinkerstin Bautista, 17 anyos, residente ng Brgy. Galacia III, Mendez at Gabrielle D Villanueva, 18 anyos, residente ng Brgy. Marahan I, Alfonso, Cavite, pawang mga sakay ng nasabing van.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:50 ng madaling araw kung saan binabagtas ng kotse ng mga biktima ang pa-silangang direksyon nang salpukin ito ng sasakyan ng mga suspek na Nissan Grand Livina XR Luxury 1.8L AT.
Lumalabas sa imbestigasyon , mabilis umano ang takbo ng van at ito sa kotse na halos nayupi kasama ng mga biktima na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng mga ito.
Base rin sa ulat, lasing umano ang driver at sakay ng nasabing van at mahaharap sa kasong multiple counts of homicide , physical injuries Aand damage to property.