INARESTO ng mga operatiba noong Biyernes ang apat na “high-value” target kung saan nasamsam ang hindi bababa sa P370,000 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Subic, Zambales.
Kinilala ni Subic police chief Lt. Col. Joe Louies lLo Jr. ang mga suspek na sina alyas “Jeso, 53,” ng Bgy. Calapacuan, Subic; alyas “Lamir,” 25, ng Bgy. San Isidro, Subic; alyas “Roja,” 30, ng Bgy. Calapacuan, Subic; at alyas “Morado,” 36, ng San Isidro, Subic.
Nagsagawa ng entrapment ang mga miyembro ng SDEU Subic police, kasama ang PDEA Zambales, Zambales PIU, at PDEU sa mga suspek sa Purok 3B sa Bgy. Calapacuan, Subic, Zambales.
Nasamsam ang nasa 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000.
Nasa kustodiya ng Subic police ang lahat ng naarestong suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
