SUGATAN ang isang dayuhan noong Linggo sa pag-atake ng kutsilyo sa Sta. Rita, Pampanga.
Kinilala ni Pampanga police director Col. Eugene M. Marcelo ang biktima na si Wahid Juma Khamiz Al Mazruii, 39, isang Omani national.
Ang suspek ay si alyas “Jeff,” 31,.
Kapwa residente ng Bgy. Dila Dila, Sta. Rita, Pampanga.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na humantong sa pananaksak.
Isinugod ang biktima sa Diosdado Macapagal Hospital sa Guagua, Pampanga.
Naaresto ang suspek sa follow-up operation at sasampahan ng kasong frustrated homicide
